Tinawag na “Great Revival” ang naturang sports event matapos ang limang taon na pagkaantala dahil sa COVID-19 Pandemic.
Ayon kay, Patrick Gregorio, DuckWorld PH Chairman at MPTC Tour of Luzon 2025 Organizer, layunin ng naturang event na muling buhayin at pausbungin ang sports na cycling.
Suportado rin umano ito ng Department of Tourism dahil sa layon rin nitong mapalakas ang sektor ng turismo ng bansa partikular sa Ilocos Region.
Nakilahok ang 119 siklista mula sa Pangasinan, Vigan at ibang bansa na magtatagisan sa iba’t-ibang kategorya para sa premyong P6.15 million.
Mula Paoay, Ilocos Norte, magtatapos ang patimpalak sa Baguio City na may kabuuang distansya na higit isang libong kilometro.
Kabilang sa pinakahuling stage na dadaanan ng Tour of Luzon ay Lingayen hanggang Labrador at Lingayen hanggang Camp John Hay, Baguio City.
Isa sa pinakalayunin ng naturang aktibidad ang paglulunsad ng sports event na magiging bahagi ng pagpapalakas ng sektor ng turismo ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









