MR. IFM DAGUPAN SPECIAL AWARD, IPINAGKALOOB SA ISANG PAGEANT SA CALASIAO

Dumadagondong na hiyawan at palakpakan ang bumuhay sa gabi ng mga manunuod nang magpakitang gilas ang mga nag gwa-gwapohang mga kalahok sa Mr. Swabe 2025 sa pagtatapos ng Annual Fiesta ng Brgy.Malabago, Calasiao kahapon.

Sa naturang patimpalak, Ipinagkaloob ng iFM Dagupan ang special award bilang Mr. iFM Dagupan sa napiling kalahok na si Mark Jayson Caron. Siya ay nakatanggap ng sash, cash prize at IFM Merchandise.

Ipinamalas ng mga kalahok ang swabeng galing sa pagrampa suot ang kanilang summer attire, kanilang mga talento at talas ng isip sa pagsagot sa Q&A portion.

Naging mainit ang pagtanggap ng Brgy. Malabago sa IFM Dagupan dahil sa pagsuporta at pagpapakita ng tunay na serbisyo publiko, pagbabalita, entertainment at pagkilala sa mga natatanging talento ng mga Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments