MANGALDAN, PANGASINAN – Isasagawa na sa bayan ng Mangaldan ang Chikiting Ligtas Immunization Campaign ng Department of Health (DOH) na MR-OPV o ang bakunang laban sa Measles, Rubella, at Polio na nakalaan para sa mga bata sa nasabing bayan.
Alinsunod dito ang inilabas na schedule sa bawat barangay sa Mangaldan kaugnay sa immunization activity na tutunguhin at susunding pagpunta at pagpapabakuna ng mga bata.
Sa May 2, ang bakunahan ay sa Brgy. Poblacion, May 3 mga barangay ng Malabago, Bari, Salaan, at Bantayan, Sa May 4 naman mga barangay sa Navaluan, Alitaya, Inlambo. May 5 mga barangay ng Banaoang, Gueguesangen, Landas, Guiguilonen. May 8 naman ay sa mga barangay ng Anolid, Maasin, Gulig, Salay.
Sa May 9, ang mga barangay sa Embarcadero, Macayug, Nibaliw. May 10 sa mga barangay ng David, Buenlag, Bateng, Tebag. May 11 sa mga barangay ng Pogo, Guesang, Osiem, at sa May 12 naman ay sa mga barangay ng Palus, Amansabina, Talogtog, at Lanas.
Layon ng inilunsad na immunization activity ang ilayo ang mga sa banta ng measles o tigdas, rubella o tigdas hangin at ang polio nang mapalaki itong protektado at ligtas.
Samantala, libre ang mga nasabing bakunahan kaya’t payo ng ahensyang DOH na samantalahin at mapabilang sa kanilang mga programa at proyekto para sa ikauunlad ng pangkalahatang pangkalusugan.
#ifmnews
Facebook Comments