MRC ng PNP, tutulong na rin sa mga residente sa Batangas dahil sa kaso ng COVID at pag-alburuto ng Bulkang Taal

Inutusan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang kanilang Medical Reserve Force (MRF) na tumulong sa COVID-19 situation sa Batangas sa harap ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay PNP chief, doble ang trahedya na kinahaharap ngayon ng mga taga-Batangas, kaya naman pinaghahanda niya ang kanilang MRF para para tumulong sa lugar.

Una nang sinabi ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na puno na ng COVID-19 patients ang mga ospital sa kanilang lalawigan kabilang na ang mga may comorbidities.


Binigyang diin rin ni Eleazar na handa ang mga pulis na ipatupad ang minimum public health safety standards sa mga evacuation facility upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus.

Naglatag na ng police assistance desk sa lugar para magbigay tulong sa mga evacuee.

Ipinag-utos na rin ng opisyal ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint para pigilan ang mga residente na bumalik sa kanilang tahanan na nasa loob ng permanent danger zone kasunod ng kasalukuyang estado ng Bulkang Taal na ngayon ay nananatili sa Alert Level 3.

Facebook Comments