CAUAYAN CITY – Naglunsad ng convergence meeting ang regional task force ng Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) upang mas mapalakas pa ang implementasyon ng nasabing programa sa buong Lambak ng Cagayan.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni DA Regional Executive Director Mary Rose Aquino at dinaluhan naman ng National Irrigation Administration (NIA) Region 02, NIA-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Provincial Local Government Units (PLGUs), Field Operations Division and Rice Program ng DA Regional FO2.
Tinalakay ng task force sa nasabing pagpupulong ang irrigation clustering at development plan para sa mga tail-end areas, kung saan sa inilabas na datos ng NIA Region 02 at NIA-MARIIS ay mayroong 43,000 hectares ang mabibigyan ng patubig sa mga tail-end areas sa buong Rehiyon.
Napagkasunduan din ang pagtutulungan sa pagitan ng farmers cooperatives and associations at irrigators associations para sa mas mataas na produksyon ng palay.
Samantala, tiniyak din sa pagtutulong na magpapatuloy ang pagtitinda ng P29/kl ng bigas na nagsimula na Cagayan Seed Producers MPC sa Solana Cagayan.