MRT 3 at LRT 2, may libreng sakay sa mga marino ngayong araw

69
File photo

Bilang pagbibigay-pugay sa taunang selebrasyon ng International Day of the Seafarer, libreng sakay ang handog ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) sa mga marino.

Inanunsyo din ng Department of Transportation (DOTr) ang magandang balita sa kanilang official Facebook page.


Nagsimula ang libreng sakay kanina sa MRT bandang alas-5:30 ng umaga at magtatapos mamayang 10:30 ng gabi.

Samantala, nag-umpisa ang libreng biyahe ng LRT-2 sa mga seafarers mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at magbabalik ng 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Upang magamit ang libreng serbisyo, kailangan iprisinta ng mga marino ang kanilang Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) o Profession Regulation Commission (PRC) ID sa mga guwardiya at nagbebenta ng mga ticket sa mga nasabing istasyon.

Tuwing Hunyo 25 ipinagdiriwang ang International Day of the Seafarer batay sa itinakda ng International Maritime Organization (IMO) noong 2010 para kilalanin ang kontribusyon at galing ng mga marino.

 

Facebook Comments

From Advertisers