MRT-3 at LRT-2, pinaiksi ang operating hours ngayong araw

Naglabas ng abiso ang pamanuan ng Metro Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Train Line 2 (LRT-2) kaugnay sa kanilang oras ng biyahe ng train ngayon araw Disyembre 31.

Batay sa kanilang abiso, pinaigsi ang biyahe ngayon sa MRT3 kung saan ang North Avenue hanggang alas-7:45 ng gabi ang last train habang alas-8:31 ng gabi naman sa Taft Avenue.

Sa ngayon, meron 30 trains ang tumatakbo sa MRT-3 at meron itong 4.5 minutes waiting time para sa susunod na train.


Ang LRT-2 naman ay hanggang alas-7:30 ng gabi lang ang biyahe ng mga train mula Antipolo hanggang Recto, at vice versa.

Enero 1, 2022, sa Antipolo station ng LRT-2, ala-6:00 ng umaga ang unang biyahe ng train at alas-8:30 ng gabi naman ang last train habang sa Recto Station naman, ala-6:00 ng umaga ang unang biyahe at alas-9:00 ng gabi naman ang last train.

Wala pang abiso ang LRT-1, pero nasa 22 trains ang tumatakbo dito sa bilis na 60 kph at meron 4 minutes waiting time.

Ang kanilang Baclaran papuntang Balintawak na ruta vice versa, normal pa rin ang oras ng operasyon nito kung saan mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi.

Facebook Comments