Balik-operasyon na ang MRT-3 matapos suspendihin ang pagbiyahe ng mga tren nito kahapon dahil sa paghagupit ng Bagyong Rolly.
Kasunod ito ng pagkakalagay ng Metro Manila sa storm signal no. 1.
Sa kasalukuyan, may 17 tren at dalawang Dalian trains ang bumibiyahe kung saan anim na minuto ang pagitan ng pagdating ng susunod na tren.
Patuloy naman ang pagpaalala ng pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero na panatilihin ang minimum health protocols at mag-ingat sa kanilang pagbiyahe.
Una nang ipinagpaliban ng MRT-3 ang scheduled weekend shutdown bilang pag-iingat sa posibleng pag-landfall ng Bagyong Rolly.
Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current (kV AC) switch gear (Gir) sa depot at mga turnouts sa Taft Avenue Station.
Facebook Comments