MRT-3 balik operasyon na ngayong araw

Balik operasyon na ngayong araw ang Metro Rail Transit Line 3 matapos ang isang linggong maintenance shutdown.

Ayon sa pamunuan ng MRT 3, bahagi ng pagkukumpuni ang paglalagay ng galvanized paint sa turn backle, guy anchor, assembly, shackle plate, back guy, anchor bolt, support bracket at base plate.

Gayundin ang pagkukumpuni at pagpapalit ng maluluwag na anchor bolts at rail fastener at paglilinis ng mga istasyon.


Maliban rito, dumaan rin sa pagsusuri ang mga riles ng tren para matiyak na nasa maayos ang ginawang pagsasaayos lalo na sa paghahasa ng riles.

Facebook Comments