Balik operasyon na ngayong araw ang Metro Rail Transil (MRT) Line 3.
Paliwanag ng MRT-3 management, mayroon na silang sapat na bilang ng mga tauhan para magbigay ng serbisyo sa mga commuter.
Pero magiging limitado pa rin ang bilang ng mga pasaherong papasok sa kada bagon ng tren.
Nasa 12 tren lamang ang bibiyahe sa linya.
Magsisimula ang biyahe alas-5:30 ng umaga mula North Avenue at sa Taft Avenue.
Mahigpit na ipapatupad ang safety protocols kabilang ang pag-fill out ng health declaration form sa mga pasahero para sa contact tracing, pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) sa lahat ng station personnel.
Regular din ang pagsasagawa ng disinfection sa lahat ng istasyon at pasilidad ng MRT-3 para matiyak na malinis at ligtas ito para sa mga pasahero.