MRT-3, balik-operasyon na ngayong araw

Ang pagbabalik-operasyon ng biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) ay kasunod ng pagtatapos ng taunang Holy Week maintenance activities.

Kabilang sa ginawa ang mga kable, riles, fire prevention at iba pa.

Alas-4:30 ng umaga nang magsimulang magsakay ng mga pasahero.


Paalala ng MRT-3, wala pa ring babayaran sa pamasahe ang mga pasahero sa pagpapatuloy ng programang “libreng sakay”.

Bago ang balik-operasyon ng mga tren, ininspeksyon muna ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang MRT-3 North Avenue station at bumiyahe patungong Cubao station gamit ang bagong Unimog Vehicle.

100% pa rin ang kapasidad ng tren pero nananatiling bawal kumain sa loob ng tren dapat naka face mask, bawal makipag-usap at bawal sumagot ng tawag.

Facebook Comments