Pag-aaralan ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 ang mga kahilingan na palawigin pa ng dalawang oras ang biyahe ng mga tren mula sa original schedule na mula 5:30AM hanggang 10:30PM.
Sa isang kalatas, sinabi ng MRT-3 management na bagama’t pursigido sila na ihatid ang mabilis at may kalidad na serbisyo sa mga pasahero, dapat ikunsidera na ang mga tren ay may kalumaan na at nangangailangan ng sapat na panahon para sa preventive maintenance.
Sa ngayon ay sasailalim pa lamang ito sa extensive rehabilitation and maintenance ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Sa kasalukuyan, dahil sa isinasagawang preventive maintenance, pinagkakasya ang mga available trains sa loob ng apat na oras.
Maliban dito ang 2 hours working extension ay mangangailangan ng dagdag na train personnel at dagdag na bayarin sa konsumo ng kuryente.
Mas prayoridad ng MRT-3 management na maiwasan ang mga insidente ng unloading ng mga pasahero at incidents at service interruptions.