MRT-3, handa na sa pagbabalik-biyahe bukas

Handa na ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) para sa pagbabalik ng biyahe nito bukas, ang unang araw ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Mayroon nang mga markers sa pilahan, platform at sa loob ng tren para matiyak na masusunod ang social distancing sa loob.

Magde-deploy rin sila ng mga dagdag na security guard, MRT personnel at train marshall sa loob ng tren.


Ang MRT-3 ay isa sa mga pangunahing transportasyon na pinayagang makabiyahe sa ilalim ng GCQ.

Facebook Comments