Nakahanda na rin ang pamunuan ng Metro Rail Transit line 3 o MRT-3 sa pagsisimula bukas ng pagpapatupad ng 70% passenger capacity sa public transportation.
Iaakyat na bukas sa 276 ang bilang ng pasahero kada bagon o 827 kada isang train set .
Ito ay mula sa dating 30% passenger capacity ng mga tren o katumbas ng 124 na pasahero kada isang bagon o 372 kada train set, ang isang train set ay binubuo ng tatlong bagon.
Ang 70% hanggang full capacity na may 1 month pilot implementation ay alinsunod sa mga pag-aaral na sumusuporta sa hakbang partikular ang patuloy na pagtaas ng vaccination rate sa Metro Manila.
Ang pagdagdag ng kapasidad ay bilang tugon din sa pagtaas ng demand ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon.
Mahigpit pa ring ipatutupad ang “7 Commandments” kontra COVID-19 sa loob ng mga tren.