Goodbye, #MRTirik.
Ito ang ipinagmalaki ng MRT-3 management kasunod ng pagkawala na nang naitatalang train derailment at unloading incident.
Batay sa datos ng MRT-3 management, mula sa 333 na insidente ng pagtirik ng tren noong January to June 2016,naibaba na lang ito sa apat na insidente noong January to June noong 2020.
At nitong January to June 2021, naitala ang zero unloading incidents.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kasunod ito ng malawakang rehabilitation at maintenance sa buong linya ng tren sa pamamagitan ng orihinal na maintenance provider ng MRT-3, ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy-TESP.
Kumpara sa 10-15 trains lamang noon, nakapag-deploy na ng all-time high 23 trains upang mapagsilbihan ang mga commuter.
Mula sa kukupad-kupad na 25-30 kilometers per hour, ngayon, tumatakbo na ang mga tren sa bilis na 60-kph.
Dahil dito, nabawasan na rin ang interval o ang pagitan ng pagdating ng tren mula 9 minutes hanggang 3.5 minutes.