MRT-3, itataas na rin ang kanilang rider capacity simula sa Lunes, September 14, 2020

Simula Lunes, September 14, 2020, mas mataas na bilang ng mga pasahero ang papayagang makasakay sa loob ng mga tren ng MRT-3.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati, ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) at Economic Development Cluster (EDC) na itaas ang rider capacity ng mga pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng pagbaba ng sukat ng distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Papayagan na ang 204 na commuters sa isang train set, o 68 kada bagon na maaaring sumakay sa mga tren.


Ito’y mula sa dating 153 na pasahero sa isang train set, o 51 kada bagon.

Ibababa na sa 0.75 meters ang distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Inaasahang bababa pa ito hanggang 0.5 meters matapos ang dalawang linggo at 0.3 meters sa karagdagang dalawang linggo.

Sinabi ni Capati, ang inaasahang pagtaaas ng bilang ng passenger capacity ng mga tren ay suportado ng datos mula sa isinagawang physical simulation.

Kasabay nito, patuloy ang istriktong pagpapatupad ng health and safety protocols sa loob ng mga istasyon at tren, tulad ng pagsusuot ng face shield at face mask, pagbabawal sa pagsasalita at pagsagot ng tawag sa anumang digital device.

Facebook Comments