MRT-3, magbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa sa Labor Day

Magbibigay ng Libreng Sakay ang Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) para sa lahat ng mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor sa Lunes, May 1, bilang pagdiriwang ng Labor Day.

Ang libreng sakay ay magsisimula ng alas-7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, ang libreng sakay ay kaugnay ng selebrasyon ng ika-121st Labor Day, kailangan lang magpakita ng mga manggagawa ng kanilang company ID o government-issued ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.


Ang simpleng paraan umano na ito ng MRT-3 ay upang maipakita ang pagbibigay-pugay ng linya sa lahat ng mga manggagawa na nagtataguyod ng ekonomiya ng ating bansa.

Facebook Comments