MRT-3, maghahandog ng libreng sakay sa Linggo bilang pakikiisa sa Consumer Welfare Month

Magandang balita para sa ating mga komyuter!

May handog na libreng sakay ang MRT-3 sa darating na Linggo, October 26 bilang pakikiisa sa Consumer Welfare Month.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang libreng sakay ay magsisimula ng alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi sa nasabing araw.

Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 at Department of TransportT1Mation (DOTr) sa kahilingan ng Department of Trade and Industries (DTI) ngayong Buwan ng mga Konsyumer.

Facebook Comments