MRT-3, magkakaloob ng libreng sakay

45

Magkakaloob ng libreng sakay ang MRT Line 3 management.

Ito ay para sa mga lalahok sa isasagawang Million Volunteer Run 5 ng Philippine Red Cross bukas, Disyembre a-8.


Epektibo ang libreng sakay simula alas-singko ng umaga hanggang alas-dies ng umaga.

Kinakailangan lamang na ipakita ang race bib ng mga kalahok sa mga security personnel ng MRT na nasa service gate upang makakuha ng libreng sakay.

Facebook Comments

From Advertisers