MRT-3, magpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskwela 2024

Inanunsyo ng Metro Railways Transit 3 o MRT-3 na simula ngayong araw, Hulyo 27 hanggang Agosto 3, itataas sa heightened alert ang seguridad ng buong linya ng tren.

Ito’y bilang paghahanda para sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa susunod na linggo.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magtatalaga sila ng mga security at station personnel sa linya na aalalay sa pangangailangan ng mga pasahero lalo na ang mga estudyanteng magbabalik-eskwela.


Paliwanag ng MRT-3, ipapatupad ang regular operating hours sa unang biyahe ng tren ng alas-4:30 ng madaling araw mula sa North Avenue Station at alas-5:05 ng umaga naman mula sa Taft Avenue Station.

Samantala, ang huling biyahe ng tren ay alas-9:30 ng gabi sa North Avenue Station at alas -10:09 ng gabi naman sa Taft Avenue Station.

Facebook Comments