Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 na magpapatupad ito ng temporary shutdown o walang biyahe ng mga tren sa linya sa March 30 hanggang April 4.
Layon nito na bigyan daan ang maintenance and rehabilitation activities sa panahon ng Semana Santa.
Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa sa temporary shutdown ay ang pagpapalit ng mga railway turnout sa depot, pagpapalit ng mga point machine, at paglalagay ng CCTV units.
Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.
Ginagamit naman ang point machine upang kontrolin ang operasyon ng mga railway turnouts mula sa MRT-3 Control Center.
Mahalagang bahagi ang mga ito ng isang railway system para maging maayos ang railway signaling at pagpapatakbo ng mga tren.