MRT 3, Malasakit Help Kits sa mga pasahero bilang pag diriwang ng Valentine’s Day

26

Hindi nagpahuli ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT 3 sa pagdiriwang ng araw ng mga puso, dahil nabigay ito ng mga Malasakit Help Kit sa mga pasahero nito.

Laman ng nasabing kit ay chocolate, tubig at alcohol.


Ayon kay Rose Ann Dela Cruz ng Department of Transportation o DOTr, layunin ito para makapag bigay pasadsalamat sa mga tumatangkilik ng MRT 3.

Ngayong Valentine’s day aniya ay isang tamang pagkakataon upang maipaabot ang kanilang pagmamahal sa mga pasahero ng MRT 3.

Nagpaabot naman siya ng pagbati ng maligayang araw ng mga puso sa lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments