MRT-3, mananatili ang regular operating hours sa kabila ng pagpapatupad ng bagong curfew hours

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) na mananatili ang regular operating hours ng rail line simula bukas, araw ng Lunes.

Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa buong Metro Manila.

Batay sa abiso ng MRT-3, ang unang biyahe ng tren mula sa North Avenue station ay alas-4:37 ng umaga at alas-5:17 ng umaga naman mula sa Taft Avenue station.


Alas-9:30 ng gabi naman ang pag-alis ng huling tren sa North Avenue station at alas-10:10 ng gabi sa Taft Avenue station.

Hinihikayat naman ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasahero na sundin ang health and safety protocols sa loob ng istasyon at tren upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments