Maniningil na muli ng minimum na pasahe ang Metro Rail Transit – Line 3 (MRT-3) simula sa Hulyo 1.
Ito ay kasunod ng pagtatapos ng programa ng MRT-3 na libreng sakay sa Hunyo 30 dahil sa pagpapalit din ng bagong administrasyon.
Nabatid na nasa P13 ang minimum na pasahe sa kada istasyon habang nasa P28 naman ang pasahe mula North Avenue station hanggang Taft Avenue.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito na ang pinakamatagal na libreng sakay sa operasyon ng MRT-3 upang maramdaman ng publiko ang resulta ng rehabilitasyon.
Sa ilalim ng programa ay nasubok ng husto ang performance at kapasidad ng bigat sa pagsakay ng mas maraming pasahero.
Naitala rin noong Hunyo 10 ang pinakamaraming bilang ng mga pasahero na sa MRT-3 na umabot sa 381,814.
Samantala, ipinagmalaki naman ng MRT-3 na ang bumuting operasyon nito ang iiwang pamana ng administrasyong Duterte at Department of Transportation (DOTr).