MRT-3, mas naghigpit pa sa health protocols dahil sa tumataas na bilang ng nagpopositibo sa COVID-19

Simula ngayong araw, Hulyo 6, 2020, lahat ng mga tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 na nakatalaga sa depot at sa mga MRT station at sa mga tren ay obligadong magsuot ng full personal protective equipment, kabilang ang face masks, face shields, gowns, at gloves.

Bahaga ito ng mas pinaigting na health and safety protocols na magbibigay proteksyon sa mga tauhan nito at commuters laban sa pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Mas naging mahigpit na rin ang monitoring at screening sa kanilang mga health conditions at regular na pagdisinfect sa depot at lahat ng MRT-3 stations.


Sa ngayon ay may kabuuang 172 na mga empleyado ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19.

Pinakabago rito ang pagkahawa sa virus ng apat na ticket sellers, isang nurse at isang train driver.

Dalawa sa kanila ay nakatalaga sa Cubao Station, isa sa North Avenue Station at ang isa ay reserve.

Ngayong araw, balik operasyon na ang MRT-3 matapos ang dalawang araw ng pagsuspinde sa pagbiyahe dahil sa ginagawang malawakang rail replacement activities.

Limitado lamang sa 11 train sets ang patatakbuhin sa linya mula sa regular na 16 hanggang 19 train sets kada-araw.

Facebook Comments