Muling maghahain ng petisyon ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Department of Transportation (DOTr) para sa pagtataas ng pasahe.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Asec. Jorjette Aquino ng railway sector ng DOTr na sa loob ng susunod na dalawang linggo ay gagawin ang paghahain ng petisyon ng management ng MRT-3.
Aniya, buwan ng Enero nang kasalukuyang taon ng huling maghain ng petisyon ang MRT-3 para magtaas ng pasahe.
Nakasaad aniya sa kanilang petisyon na magdadagdag ng 21 centavos kada kilometro.
Paliwanag ni Asec. Aquino, maaaprubahan lamang ang petisyong ito kung makakapag-comply ang MRT-3 ng legal requirements ng Rail Regulatory Unit.
Kailangan din aniya makita ng DOTr ang improvement sa serbisyo ng MRT-3.
Dapat din ayon kay Asec. Aquino na matukoy kung naayon sa average growth rate ng inflation ang nais na dagdag na pasahe ng MRT-3.