MRT-3, nag-deploy ng 90 bus units para sa ikalawang araw ng weekend shutdown ng operasyon nito

Nag-deploy ngayong araw, Hulyo 5, ang Metro Rail Transit 3 (MRT 3) ng 90 unit ng bus para asistihan ang mga commuter habang sumasailalim sa malawakang rail replacement activities ang MRT lines.

Nasa ikalawang araw na ngayon ng weekend shutdown ang MRT-3 para bigyang-daan ang pagpapalit ng turnouts sa North Avenue Station.

Sa ilalim ng Bus Augmentation Program, aalis ang unang bus sa North Avenue at Taft Avenue Stations ng alas-5:30 ng umaga habang alas 8:00 ng gabi ang huling biyahe nito.


Ang mga sumusunod na istasyon ay ang mga itinalagang loading at unloading stations:

Sa bahagi ng northbound, sa Taft Avenue Station at Ayala Station ang loading stations habang ang Ayala station, Quezon Avenue Station at North Avenue Station naman ang unloading stations.

Sa southbound, ang North Avenue Station at Quezon Avenue Station ang loading stations habang ang Ayala at Taft Avenue Stations ang unloading stations.

Muling nagpaalala ang MRT-3 na mauulit pa ang weekend shutdown sa darating na Agosto 8-9,
Agosto 21-23 at September 12-13 para mapabilis ang rail replacement activities nila.

Facebook Comments