MRT-3, nagkabit na ng QR codes sa 13 istasyon para sa soft launch ng contact tracing app

Ilulunsad na sa Lunes, April 5 ang TRAZE App, isang contact tracing application ng MRT-3.

Batay sa anunsyo ng pamunuan ng MRT-3, naglagay na sila ng QR codes sa 13 istasyon nito para sa soft launch ng nasabing app.

Ang TRAZE ay gagamitin ng MRT-3 upang mas mapadali ang proseso ng monitoring at tracking ng mga pasahero para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Mada-download ito sa smartphone app stores.

Kailangan lamang na tatlong beses i-scan ng mga pasahero ang QR code mula sa entry station, train coach at exit station.

Samantala, mananatili pa rin ang kanilang manual contact tracing para sa mga pasaherong walang smartphone.

Facebook Comments