MRT-3, nagkaproblema kaninang umaga; mga pasahero, pinababa

Manila, Philippines – Naperwisyo na naman ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) kaninang umaga.

Dakong alas-6:00 ng umaga nakaranas ng technical problem at pinababa ang karamihan sa mga pasahero sa southbound ng Quezon Avenue station.

Mag-a-alas-7:00 ng umaga nang magpatupad ng provisional service kung saan nilimitahan ang biyahe ng mga tren mula Shaw Boulevard Station hanggang Taft Station lamang at pabalik.


Bandang alas-9:00 naman ng umaga, nag-abiso muli ang pamunuan ng MRT na limitado ang kanilang operasyon Shaw to Taft Stations lamang at pabalik dahil sa sirang riles.

Alas 9:30 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon.

Facebook Comments