MRT-3, nagpaalala sa mga commuter sa mga ipinagbabawal na bagay na bitbitin sa pagbiyahe

Nagpaalala ang pamunuan ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) sa mga sumasakay sa tren na iwasang magbitbit ng mga ipinagbabawal na bagay upang hindi na makaabala sa pagbiyahe.

Tinukoy ng MRT-3 management ang Memorandum Circular ng Office of the Transportation na nagbabawal sa pagdadala ng baril o anumang uri ng armas, mga matalim na bagay, mga explosive substances, mga mapanganib na likido o bagay gaya ng baterya.

Gayundin ng mga flammable o madaling magliyab na bagay.


Ayon sa MRT-3 management, maari namang i-claim ng mga pasahero ang mga confiscated items matapos sumailalim sa kaukulang “verification station’s supervisor.

Humingi naman ng pag-unawa at kooperasyon ang management sa mga pasahero sa abala.

Facebook Comments