MRT-3, nagsagawa ng rail grinding activity

Sumailalim sa “rail grinding” ang mga riles ng Metro Rail Transit Line 3 sa northbound mula Taft hanggang Magallanes Stations.

Layon ng rail grinding na makontrol ang epekto ng rail fatigue o pagkaluma ng mga riles.

Nagsimula ang pagsasaayos ng mga riles alas 11:00 Miyerkules ng gabi at magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod na oras.


Dahil dito, sinabi ng DOTr, asahan na ang pagkakaroon ng mga sparks sa mga riles sa pagitan ng nasabing dalawang istasyon.

Pero hindi anila magiging dekilado ang nahuhulog na sparks sa mga dumaraang motorista sa EDSA northbound dahil mayroon namang safety feature ang ginagamit nilang makina.

Facebook Comments