
Naka-heightened alert ang seguridad ng MRT-3 mula October 30 hanggang November 4 upang mapanatiling ligtas ang biyahe ng mga pasahero sa darating na Undas.
Magde-deploy ang linya ng mga security at station personnel na aantabay at tutugon sa anumang pangangailangan ng mga pasahero.
Tuloy-tuloy rin ang koordinasyon ng MRT-3 sa Philippine National Police (PNP) para sa mga assistance desks sa mga istasyon.
Habang may sapat na mga tren na ide-deploy kabilang dito ang mga 4-car at 3-car trains para masiguro ang komportableng biyahe ng mga pasahero.
Ang inisyatibo ay sa ilalim ng derektiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Transportation acting Secretary Giovanni Lopez na masigurong ligtas, maayos, at komportable ang biyahe ng mga pasaherong inaasahang magsisiuwian sa mga probinsya ngayong Undas.









