MRT-3, nakamit na ngayong araw ang 21 record-high train deployment

Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 na naitala nila ang 21 record-high o pinakamaraming naideploy ngayong araw.

Sa isang statement, sinabi ng MRT-3 management na ito ay maituturing na kauna-unahan sa loob ng dalawampung taon.

Dahil nasa 21 trains na ang bumibiyahe, napaikli na ang oras bago dumating ang susunod na tren at napataas ang passenger capacity.


Noong September 14, 2020 ay nakapagpaakyat ng 20 trains ang MRT-3 sa mainline.

Sa average, ang bilang ng tren na naidedeploy ng MRT-3 ay labinlima (15).

Ang MRT-3 line na nagsimula ng operasyon noong December 1999, ay sumasailalim sa massive rehabilitation works sa pamamagitan ng Japanese firms na Sumitomo Corporation at Mitsubishi Heavy Industries (MHI).

Target na makumpleto ang rehabilitation works sa susunod na taon.

Facebook Comments