Nakapagtala kahapon ng mataas na passenger capacity ng MRT-3 o katumbas ng 157,855 na pasahero.
Ito ang pinakatamaas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong June 2020.
Kasunod ito ng pag-akyat na sa bilang na dalawampu’t tatlo ng mga tren na tumatakbo at operational na train sets sa linya.
Target ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ng Japan na matapos ang rehabilitation project sa taong kasalukuyan.
Tumatakbo na ngayon sa 60 kph ang mga tren ng MRT-3.
Dahil dito, napaikli mula 3.5 to 4 minutes ang travel time mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station mula sa dating 45 to 50 minutes.
Facebook Comments