MRT-3, natukoy na ang pinagmulan ng aberya ng isa nilang tren kagabi

Humingi ng dispensa ang pamunuan ng Metro Rail Transit 3 o MRT-3 sa nangyaring aberya kagabi ng isa nilang tren.

Nabatid na umusok at nagliyab ang ibabang bahagi ng isang bagon ng MRT-3 kaya’t tumigil ito sa pagitan ng Cubao at Santolan Station sa Quezon City.

Ayon kay Engr. Mike Capati – Director for Operations ng DOTR-MRT3, namonitor o nadetect ng kanilang operator ang insidente kaya’t napilitan siyang ihinto ito kung saan nagkaroon ng short circuit ang traction motor ng tren matapos na magdikit ang contractor nito.


Sinabi pa ni Capati na nangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon dahil sa araw-araw na ginagamit ang tren pero sinisiguro nila na nasa maayos na kondisyon ang mga bagon bago ito bumiyahe.

Ang traction motor ang siyang pyesa na nagpapa-andar ng tren kung saan naka-order na sila nito pero dalawang buwan pa bago nila ito makuha.

Facebook Comments