Makukumpleto ang total rehabilitation ng lahat ng components at system ng Metro Rail Transit o MRT Line 3 sa July 2021.
Ayon kay MRT-3 Director Mike Capati – gumugulong na ang rehabilitation works matapos mag-umpisa nitong Mayo ang maintenance provider ng MRT na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Dumating na rin ang higit 4,000 bagong riles na may 18-metrong haba at may mga paparating pa sa Oktubre.
Aabot sa 21.96 billion pesos ang halaga ng rehabilitasyon ng MRT, kung saan ang 18.76 billion pesos nito ay mula sa official development assistance loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Sakop ng rehabilitasyon, ang electromechanical components, power supply, rail tracks, depot equipment at overhaul ng 72 na bagon nito
Kapag natapos ang rehabilitasyon, mai-aakyat sa 20 bagon ang bumibiyahe kapag peak hours habang maitataas sa 60 kilometers per hour ang bilis ng takbo ng mga tren, liliit ang paghihintay ng mga pasahero sa higit tatlong minuto.