Sunod-sunod na aberya na naman ang naranasan sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 ngayong araw.
Alas 5:52 kaninang umaga nang unang masiraan ang tren ng MRT sa bahagi ng Ortigas station.
Sinundan ito kaninang mag-aalas 9:00 ng umaga kung saan pinababa ang mga pasahero at napilitang maglakad sa riles hanggang makarating sa platform ng Guadalupe.
Alas 11:28 naman nang masira ulit ang tren sa GMA-Kamuning station.
Technical problem ang sinasabing dahilan ng sunod-sunod na aberya.
Facebook Comments