MRT-3, tinukoy ang mga train station at working shift ng mga ticket seller na nagpositibo sa COVID-19

42

Inanunsyo ngayon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 management ang mga train stations at working shifts ng mga ticket sellers na nagpositibo sa COVID-19.

Magsisilbi itong gabay upang madetermina ng mga mananakay ng tren kung nagkaroon sila ng direct contact sa naturang mga station personnel.


Mula sa 198 na empleyado na nagpositibo sa COVID-19, 177 ay nakatalaga sa MRT depot, 3 ang train drivers, dalawang control center personnel at 16 na station personnel.

Ang 16 station personnel na nagpositibo sa virus ay mga ticket sellers sa North Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, isang nasa reserved status at isang nurse.

Ticket sellers na naka-deploy sa North Avenue station na naka duty sa mga oras na: 1:00PM hanggang 11:00PM at 4:30AM hanggang 2:30PM.

Ticket sellers sa Quezon Avenue na naka- deploy mula 1:00PM hanggang 11:00PM.

Station personnel sa GMA-Kamuning station na nasa working schedule na 4:30AM hanggang 2:30PM.




Ticket sellers sa Cubao station mula 1:00PM hanggang 11:00PM at 4:30AM hanggang 2:30PM.

Pinapayuhan ang mga pasahero na kanilang nakahalubilo na obserbahan ang mga kondisyon at sumailalim sa home quarantine, upang maiwasan ang hawaan at pagkalat ng virus sakaling magpositibo rin.

Facebook Comments