Manila, Philippines – Simula ngayong araw asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Quezon City dahil sa konstruksyon ng MRT-7.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ipinatutupad ang one-way traffic sa Regalado mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue dahil sa ginagawang coping beam.
Habang sa May 6 hanggang July 30 sa ganap na 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, isasara ulit ang kalsada para bigyang-daan ang paglalagay ng box girders para sa track ng MRT.
Bukas, sisimulan na rin ang konstruksyon sa Tandang Sora station kaya asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa intersection ng Commonwealth at Tandang Sora Avenue.
Bubuo rin ng elevated guideway at ide-demolish ang Tandang Sora flyover na inaasahang matatapos sa loob ng 13 buwan.
Walong buwan naman ang aabutin ng paghuhukay para sa MRT 7 underground guideway mula North avenue hanggang Commonwealth.
Dahil dito, dalawang lanes ng North Avenue hanggang elliptical road ang isasara sa mga motorista.