MRT-7 CONSTRUCTION | MMDA, nag-abiso sa mga motorista na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko

Manila, Philippines – Titindi pa ang traffic sa susunod na linggo dahil sa pagsasara ng ilang linya ng kalsada para bigyang daan ang konstruksyon ng MRT-7.

Ayon kay MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan, magtatayo ng coping beam sa bahagi ng Regalado highway kung saan isasara ang westbound lane.

One-way traffic ang ipatutupad sa Regalado mula Mindanao avenue hanggang Commonwealth Avenue.


Uumpisahan na rin aniya ang paglalatag ng pundasyon ng Tandang Sora station sa May 1 kung saan ang tatlong linya ng kapwa northbound at southbound ng Commonwealth Avenue ay isasara.

Sa May 1, maghuhukay na rin ng tunnel mula North Avenue hanggang Commonwealth kung saan dalawang lanes ng North Avenue ang isasara.

Magtatayo naman ng box girders para sa riles sa bahagi ng Regalado highway sa May 6 kung saan isasara ang regalado highway mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang MRT-7 ay isang big ticket project sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte Administration.

Facebook Comments