MRT-7, hindi matutulad sa sinapit ng MRT-3

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi matutulad sa sinapit ng MRT-3 na madalas magka-aberya ang itinatayong MRT-7.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan – nasa 45% na ng proyekto ang kanilang natatapos.

Pero aminado si Batan na mauurong ang pagbubukas nito sa huling kwarter ng 2021 dahil sa isyu ng right of way.


Kumpleto na at handa nang i-deliver sa bansa ang 108 na bagon o 36 trainsets galing South Korea.

Sa ngayon, wala pang depot para sa mga tren pero may solusyon na sila.

Paniniguro rin ni Batan – iisa ang gagawa at hahawak ng maintenance ng MRT-7.

Sa oras na makumpleto, magiging 34 na minuto na lang mula sa dating apat na oras ang travel time mula Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Aabot hanggang 500,000 pasahero ang kayang isakay ng MRT-7 kada araw.

Facebook Comments