MRT 7, malaki ang benipisyo sa publiko kapag natapos na – pamunuan humingi ng pasensya sa publiko

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng MRT na magbebenipisyuhan dito ang publiko kapag tuluyan ng natapos ang MRT-7 na sinimulan na ang konstruksyon ng guideway para sa Station 3 ng MRT-7.

Ayon kay MRT Undersecretary Cezar Chavez malaking kaginhawaan sa mga mananakay kapag tuluyan ng makumpleto ang naturang proyekto.

Inaasahang aabutin ng hanggang Abril ng susunod na taon ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line-7.


Paliwanag ni Chavez ang 22-Kilometrong Rail Transit System ang mag-uugnay sa North Avenue , Quezon City at San Jose Del Monte City , Bulacan.

Binubuo ng 14 na istasyon na kinabibilangan ng North Avenue ; Quezon City Memorial Circle ; University Avenue ; Tandang Sora ; Don Antonio ; Batasan ; Manggahan; Doña Carmen; Regalado ; Mindanao Avenue ; Quirino ; Sacred Heart; Tala; at San Jose Del Monte.

Payo ng opisyal sa mga motorista na konting tiyaga at pasensiya muna dahil walang ibang madadaanan kundi mula sa Winston Street papuntang Lagro sa Fairview ay dalawang linya ang kasalukuyang isinara ngayon pero mula Philcoa hanggang Sandiganbayan ay banayad naman ang usad ng mga sasakyan.

Facebook Comments