Manila, Philippines – “Papogi lamang pala” ito ang may patuyang nasabi ni Ginang Teresa Estabillo, isa sa mga pasahero ng MRT sa pagtingin niya ay VIP experience ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagsakay niya ng MRT3 kaninang 9:20 ng umaga.
Sa halip na normal ride experience, kahit na papaano ay pumila ito pero hindi pa rin naiwasan na bigyan ito ng special treatment ng pamunuan ng MRT at LRT.
Binantayan ng mga guwardiya at ilang opisyal ng MRT at LRT si Roque habang nakasakay ng tren at gina-guide ito papunta sa bagon na kaniyang sasakyan.
Hindi na rin nagpasakay ang mga guwardiya ng LRT at MRT ng iba pang mga pasahero sa bahagi ng bagon kung saan nakasakay ang kalihim.
Pagsapit naman sa MRT Taft, hindi gumana ang ticket habang palabas na siya sa istasyon.
Pero sa kabuuan ay walang naging aberya sa byahe ng kalihim sa MRT at LRT.