Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na dadaan sa rehabilitasyon ang MRT line 3 para matiyak na ito ay ligtas at mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga aberya.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakausap na niya si Transportation Secretary Arthur Tugade at sinabi aniya nito na mayroong mga hakbang na ginagawa ang Department of Transportation (DOTr) para lutasin ang problema ng MRT.
Partikular aniya ang pagkuha ng mapagkakatiwalaang maintenance contractor, paglalagay ng mga bagong riles at bagon pati na ang pagbili ng bagong signaling system.
Sinabi din ni Roque na sa darating na Huwebes ay sasakay siya ng MRT alas 9 ng umaga pero hindi pa niya alam kung saang istasyon.
Facebook Comments