Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi puro paninisi lamang ang ginagawa ng administrasyong Duterte sa mga nakaraang opisyal ng pamahalaan sa issue ng mga aberyang nangyayari sa MRT 3.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat ay ibinabase sa matitibay na ebindesiya at maayos na datos at hindi para lamang makapanisi o gawing scapegoat ang mga dating opisyal ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hinaharap ng pamahalaan ang problema sa MRT at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay humingi na ng paumanhin sa mga aberyang nangyayari ngayon.
Pero binigyang diin ni Roque na hindi naman maikakaila na ang mga problema sa MRT ngayon ay minana lang ng administrasyon mula sa nakaraang pamamahala at alam aniya ng mamamayan kung paano sinira ng nakaraang administrasyon ang MRT.
Ang pagsasampa din aniya ng kasong plunder laban sa mga dating opisyal ay upang maging accountable ang mga ito sa mga ginawa nito.
Binigyang diin ni Roque na hindi naman tama na palalampasin lang ng pamahalaan ang mga kasalanan at katiwalian noong nakaraang administrasyon na ugat ng pasakit ng kalahating milyong Pilipino na araw-araw na sumasakay sa MRT.
MRT ISSUE │Pagsasampa ng kaso laban sa mga dating opisyal ng nakaraang administrayon, hindi ginagawang scapegoat ng pamahalaan
Facebook Comments