MRT, may handog na libreng sakay ngayong araw matapos magkaroon ng technical glitch sa interstation ng Santolan-Ortigas Station

Balik-normal na ang operasyon ng MRT-3 matapos na magkaaberya dahil sa technical glitch as of 8:00 a.m. kanina.

Bilang bahagi ng kanilang serbisyo sa mga apektadong pasahero, nag-anunsyo ang pamunuan ng MRT-3 na maghahandog sila ng libreng sakay ngayong araw.

Una nang nagpatupad ng provisional service ang MRT-3 matapos makaranas ng aberya ang southbound line sa interstation ng Santolan hanggang Ortigas Station.

Nagpaabot din ng paumanhin ang MRT-3 sa abalang idinulot sa mga pasahero ng nangyaring aberya.

Facebook Comments