Manila, Philippines – Hinahamon ni Buhay PL Rep. Lito Atienza ang pamahalaan na sibakin na ang mga opisyal na namamahala sa MRT 3.
Ang panawagan na ito ay bunsod na rin ng malimit na palpak na operasyon ng MRT 3.
Hiling ni Atienza na palitan na ang mga opisyal na nagpapatakbo ng pasilidad dahil malinaw na may kapabayaan sa mga ito.
Dismayado ang kongresista dahil maya’t maya ang aberya ng tren ng MRT 3 pero mukha namang wala namang concern dito ang gobyerno.
Mistulang pakapalan na ng mukha ang umiiral ngayon sa namumuno ng MRT3.
Nagtataka ang mambabatas dahil isinisisi sa palpak na maintenance ng Busan Universal Rail Incorporated ang aberya sa MRT pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naman tini-terminate ng DOTr ang kontrata dito.
Facebook Comments