Manila, Philippines – Handang maglabas ang Metro Rail Transit Corporation (MRTC) ng 150 Million Dollars o 7.5 Billion Pesos para sa rehabilitasyon ng MRT line 3.
Ayon kay MRTC President Frederick Parayno – nagkaroon na sila ng pag-uusap sa orihinal na maintenance provider ng MRT na sumitomo corporation ukol sa rehabilitation plan na ipapanukala nila kina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Sec. Arthur Tugade.
Una nang sinabi ni Parayno – na bukas (open) ang sumitomo na bumalik para ayusin ang serbisyo ng MRT-3.
Ang sumitomo ang Japanese Maintenance Contrator na siyang nagdisenyo, nagpatayo at nagmentena ng MRT-3 sa loob ng 12 taon.
Facebook Comments