MRT REHABILITATION | Proposal ng MPIC na hawakan ang rehabilitation at operation ng MRT-3, posibleng dinggin bago matapos ang taon

Manila, Philippines – Inaasahang didinggin na bago matapos ang taon ang proposal ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na isagawa ang rehabilitation ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kailangang munang maresolba ang mga isyu tungkol sa maintenance at operation ng railway system at ng Dalian trains.

Dapat ding silipin ang engineering, technical at marketing aspects ng operasyon.

Nitong nakaraang taon, binigyan ng original proponent status ng DOTr ang Metro Pacific Light Rail Corporation (MPLRC) para sa proposed 12.5 billion pesos rehabilitation, operation and maintenance ng MRT-3 sa loob ng 30 taon.

Sa ilalim ng proposal, hindi magtataas ng pasahe ang MPIC sa loob ng dalawang taon.
Una nang nagsagawa ng due diligence at system audit ang Japan International Cooperation Agency (JIC) para matukoy kung ano ang kinakailangang rehabilitation at restoration works para sa MRT-3.

Facebook Comments