Inabisuhan ng Metro Rail Transit 3 o MRT 3 ang kanilang mga pasahero hinggil sa gagawin nilang maintenance shutdown.
Ang nasabing maintenance shutdown ay nakatakda sa darating na Holy Week simula April 15 lunes hanngang linggo ng pagkabuhay sa April 21.
Kabilang sa mga gagawin ay rail grinding, rail cascading, replacement of turnouts, structural testing, at iba pang general maintenance activities na dapat suriin sa mga tren tulad ng electrical systems at iba pang subsystems.
Kaugnay nito, nagsisimula na umanong bumili ng mga piyesang kakailanganin sa rehabilitasyon ang Japanese Company na Sumitomo na siyang service provider ng MRT.
Humingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng MRT sa mga pasaherong apektado kung saan magbabalik ang kanilang operasyon sa April 22.